halloween treat... kaso baka sa sobrang haba e maging christmas bunos na rin, heheh
...
Binasa niya ang isang Post na may title na- "Let Born Poor Geek Sew" sa Bulliten Board/Friendster ni Elena, ang classmate at crush niya... at pareho ng dati, isa na namang panloloko.
isang Chain letter, ito ang laman---
Sa makababasa,
Tulungan niyo ako! Katulad nyo, dati rin akong nahilig sa internet, sa chat, sa Friendster. Subalit may natuklasan akong kakaiba, bagay na hindi ko talaga inaasahan, kahit sa aking bangungot... Sinubukan ko nang magsumbong sa awtoridad ngunit hindi sila naniniwala... Wala na akong maisip pang ibang solusyon, kundi ang pag-kitil ng aking buhay. Ayaw niya akong lubayan. Kahit sa aking pagtulog... kay... Paalam.
-Edwin Velasquez
Sulat ito ni Edwin bago siya magpatiwakal... sinasabing nagpakamatay siya dahil nabaliw siya... subalit may ilan ring naniniwala na may nakita siyang bagay na sa sobrang nakakatakot ay ninais na lamang niyang tumalon sa building.
Please post this letter to your bulliten in friendster within five minutes or badluck will come to you, forever! Note that the title should be typed as "Let Born Poor Geek Sew"
---
Bagamat hindi naniniwala sa nabasa, gamit ang mouse ay kinopya rin niya ang mensahe, at pagkatapos ay nagtungo sa Post New Bulliten ng Friendster.com. Tapos, right click, paste. Tinaype ang "Let Born Poor Geek Sew", at naposte rin ang chain letter.
May isa na namang nauto...
Pero para kay Carlo, it was not a big deal... kung si Elena nga na itinuturing niyang isa sa matatalino sa kanilang klase, ay naniniwala rin sa ganitong letters... siya pa kaya. Tsaka isa pa, sa ganitong paraan, malalaman ni Elena na binabasa niya ang mga Bulliten Post nito.
Nilingon ni Carlo ang orasan sa kaniyang kwarto, ala-una na pala ng madaling araw, kaya naisip na nitong matulog.
...
Chapter One
Alas-ocho na nang siya ay magising, at katulad ng kanyang gawain ay ang Computer agad ang uunahin. Binukasan niya ito, maya-maya pa ay nakarating na siya sa Friendster.com.
You Have New messages, iyon agad ang kanyang nabasa... excited siya, at ang una niya agad naisip ay sulat mula kay Elena.
Ngunit mali ang kanyang akala, mula ito kay Cindy, isa sa mga friendster niya, ngunit hindi niya talaga ito kakilala... isa sa mga nasa list niya... pero sa totoo totaly stranger para kay Carlo, minsan kasi... ina add lang niya kahit sinong tao ang gustong maging friend siya... pamparami ng Friendster, ika nga. Kaya hindi ka magtataka kung 356 na ang kanyang Friends pero 87 lang doon ang kakilala niya.
---
Cindy wrote you>
Hey please lang, tungkol to sa pinoste mo kagabi, about Edwin Velasquez's letter, hindi pa siya patay, at saan nag originate ang letter na ito? Gusto kong malaman dahil ako ang kapatid ni Edwin... ang totoo nito ay may ilang katulad ang nasa sulat na iyon, tulad ng pagpapakamatay ni Kuya Edwin, pero hindi siya natuluyan, at isa pa hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ni kuya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Dahil hanggang ngayon ay coma pa rin siya, hindi makapag salita... gusto kong malaman ang katotohanan... alam kong hindi ka maniniwala sa akin. Kaya kung pwede magkita tayo ng personal... food court, SM makati 4pm mamiya, iintayin kita doon, alam kong taga makati ka rin, nasa profile mo, inaasahan kita.
---
Nagulat si Carlo sa kanyang nabasa... hindi maaari! Pero parang imposible na totoo pala ang chain letter na iyon, ang chain letter na nagpasalin-salin sa maraming Friendster users... Ayaw niyang maniwala, subalit may tila bumubulong sa kanya na tila interesante ang bagay na iyon...
Pero mas nanaig sa kanya ang hindi pagpansin sa sulat... naisip niyang baka niloloko lang siya ng sumulat, at ang lahat ay kasinungalingan, nauuso pa naman sa mga panahon na iyon ang kidnapping sa Pilipinas. Kaya kahit ang pag-reply sa sulat ay hindi na niya pinag-aksayahan pa ng panahon...
Alas dose na ng tanghali ng makarating siya sa AMA Makati, ang kanyang paaralan. Second year college na siya, at ang kanyang paaralan na rin ang naging impluwensya kumbakit nagka hilig siya sa mga bagay na may kaugnayan sa Internet; Games, Chat, E-mail, Friendster, Porn, etc.
Unang klase nya tuwing huwebes ay Philosophy, at katulad ng dati, late na naman siya...
"Good Morning sir.", wika nito nang mabuksan ang pinto.
"Mr. Lambino, late ka na naman... Palagi na lang bang ganyan.", wika ni Mr. Munsod, ang kanilang guro. "Bueno maupo ka na."
Nagmadali si Carlo patungo sa kanyang upuan, sa tabi ni Elena... para lamang malaman na hindi na ito bakante, naka upo na si Gerard, ang kaklase nila na ubod ng yabang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ma-upo na lamang sa may bandang likuran.
Nakita nito na nakikipag usap si Elena kay Gerard, at doon pa lamang ay nagseselos na agad siya. Hindi niya inaamin sa kanyang sarili, subalit alam niya at ng buong klase na magandang lalaki si Gerard. Subalit sa tuwing maaalala nitong siya naman ang isa sa mga matatalino, habang si Gerard ay laging bagsak, napapangiti na lamang ito...
Natapos na ang klase makalipas ang dalawang oras, at tumayo na ang lahat ng estudyante palabas, habang si Mr. Munsod ay nagsasalita pa tungkol sa kanilang assignment.
"Carlo, favor naman o samahan mo ako sa Glorieta ngayon, kelangan ko kasing bumili ng drawing notebook para sa Art Appreciation naten mamaya.", pagyayaya ni Elena sa kaibigan.
"Tara.", simpleng sagot nito, hindi nagpapahalatang lubusan siyang natutuwa.
Chapter 2
Nang makalabas sila sa Gusali ng kanilang paaralan ay saka lang nila nalamang malakas na umuulan. Mabuti na lamang at may dalang payong itong si Elena. Sabay bukas.
Lumapit sila sa tapat na kalsada ng South Super highway at doon nag-abang ng jeep patungo sa SM makati.
Lalong lumakas ang ihip ng hangin at dahan dahang tinatangay ang payong nila. Hanggang tuluyan na itong bumigay at nabitawan na ni Elena. Ayyyyy! Sigaw ng dalaga, sandali pa ay dumapo na sa kanila ang malalaking butil ng ulan.
Pabalik sana ang dalawa ng gusali, ng may tumawag sa kanilang atensyon. Isang busina ng sasakyan. Nilingon nila ito, at nakita nila ang pulang Honda CRV papalapit sa kanila. Bumukas ang bintana at bumungad ang mukha ni Gerard. "Sakay na kayo, baka bigla kayong dumami, mahirap na.", pagyayaya nito.
Tatanggi pa sana si Carlo, subalit nakita nalamang niyang binuksan na ni Elena ang pinto sa back seat. Kaya pumasik na rin ito.
"Elena, san ba ang lakad natin, ihahatid ko na kayo.", wika ni Gerard.
"Sa Glorieta. Naku thank you Gerard, wala kasi kaming makitang jeep e."
"OK lang yun basta ikaw."
At tumakbo na ang kotse.
Chapter 3
"Kuya malapit ko nang malaman ang katotohanan.", wika ng isang babae habang hawak-hawak ang kamay ng isang lalaking pasyente, walang malay, tila lantang gulay.
Tinitigan pa ng babae ang mukha ng pasyente. Payapang payapa.
Nagulat na lamang siya nang biglang nagmulat ang mga mata nito, parang takot na takot ang mga titig nito.
"Kuya?!", nasabi na lamang ng babae. Iyon ang una niyang pagkakakita sa kanyang kapatid na muling nagdilat ang mga mata simula pa nang huli sila magkahiwalay tatlong taon na ang lumilipas.
"lhheettt... bohooorrnnn... porrr... geeeekkhh... soooo...", hirapan subalit makikita ang pagpupumilit na binigkas ng lalaki ang mga salitang iyon. "lhheettt... bohooorrnnn... porrr... gee..."
Hindi maintindihan ng babae ang sinasabi ng kanyang kapatid, napapailing ito... hanggang maisipan niyang pindutin ang alarm button upang humingi ng assistance sa ospital.
Subalit ng dumating ang mga nurse ay nawalan na muli ng malay ang lalaki.
Sindak sa mga pangyayari ay bumalik muli sa kanyang upuan. Inisip ang gustong sabihin ng kanyang kapatid, at biglang naiugnay iyon sa isang bagay... ang chain letter... 'Let Born Poor Geek Sew'
Chapter 4
Alas tres na nang makarating sila sa mall... bumaba sa kotse, at inaasahan ni Carlo na sila na lamang ni Elena ang pupunta sa Glorieta. Subalit sumama rin itong si Gerard. "I have to buy the new edition of FHM, sabay na ako sa inyo sa National bookstore."
Kaya naglakad na nga ang tatlo.
Napansin na lamang ni Carlo na masaya na namang nag-uusap ang dalawa, samantalang siya ay nasa likod lang nila. Nang marating nila ang National Bookstore... ay natanaw ni Extension Path patungo sa SM makati... at doon ay naalala niyang muli ang sulat kaninang umaga sa kanya ng isang babae.
Parang may naguudyok sa kanya na pumunta sa SM foodcourt dahil ilang hakbang na lamang iyon sa kaniyang kinatatayuan... ngunit sinasabi rin nya sa kanyang sarili na baka panloloko lang ang lahat.
Narinig na lamang niya ang tawag ni Elena mula sa loob ng National Bookstore, "Carlo, pasok ka na..."
At pumasok nga siya sa loob, binasura na lamang ang pag-iisip kung makikipag kita nga siya sa babae sa Friendster.
Chapter 5
"Ano ba yung tinitingnan mo jan sa labas ha?", pagtataka ni Elena.
"Ah wala, may naalala lang ako kaninang umaga.", paliwanag ni Carlo, sabay nginit.
"Ano naman yun... may kelangan ka bang bilhin sa SM?", naitanong ng dalaga.
"Hindi. Meron kasing--- at ikwenento na ni Carlo ang lahat ng pangyayari sa Friendster simula kagabi.
"Talaga!!! Tara puntahan natin... wait lang ha... babayaran ko lang tong drawing notebook then i meet naten yang girl na sinasabi mo...", pagkasabi ay nagtungo sa pinaka malapit na cashier at nagbayad.
"Asan na pala si Gerard?", naitanong ni Carlo.
"Out of stock na kasi ang FHM dito kaya tumingin siya kung meron sa Power Books."
May pumasok agad sa isip ng binata. Kung pupunta sila sa SM ngayon, masosolo na niya si Elena... sa ganong paraan mas mag eenjoy silang dalawa ng wala ang sagabal na si Gerard.
"Sige tara, punta na tayo sa SM."
"Wait, dapat pa pala nating intayin dito si Gerard."
"Naku wag na... ngayon na ang usapan namin noong girl, kelangan ganitong oras kami magkita sa food court tara na.", sabay hila sa kamay ni Elena. Nagmadali sa paglakad.
At ilang saglit pa ay tinawid nila ang extension path mula Glorieta patungo sa SM Makati.
Chapter 6
Nakaupo silang dalawa, magkaharap, may dalawa pang baaknteng upuan, at isang mesa.
"Paano mo naman malalamang nandito na yung Cindy na sinasabi mo, alam mo ba itsura noo?", tanong ni Elena.
"Wala siyang picture sa Friendster e, pero ako, diba may picture ako, so it means na kapag nakita niya ako, e di lalapit siya dito."
"Alam mo excited na ako... para kasing misteryoso yung pangyayari e."
Maya maya pa ay may lumapit nga sa kanilang isang babae. Nilingon nila ito, at nakita nila ang isang chinita na babae, kasing edad lang nila marahil... mukhang Hapones, makinis ang balat. Naalala tuloy ni Carlo ang pelikulang "The Ring" na Japan ang pinagmulan.
"Excuse me, are you Carlo?", wika ng Hapones.
"Yah I am Carlo.", tumayo sabay alok sa kanang kamay.
Nakipagkamay naman ang babae... "Ako Cindy... in Friendster."
"Siya naman si Elena, klasmeyt ko."
Tumayo rin si Elena at nakipagkamay "Nice meeting you."
At pagkatapos ay umupo na ang tatlo. Nag-usap.
Chapter 7
Minamalas yata si Gerard, madalas ay nakukuha niya kahit ano man ang kanyang gustuhin, pero sa mga oras na iyon, parang hindi umaayon ang lahat batay sa kanya.
Wala ring For Him Magazine(FHM) sa Power Books Glorieta, kaya wala siyang nagawa kundi pumunta sa Greenbelt, isa ring mall kalapit lamang ng Glorieta, at doon ay mayroon ring Powerbooks.
Matapos ang anim na minutong paglalakad ay narating na niya ang Powerbooks Greenbelt. Inankayat niya kaagad ang ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang Magazine section. Hinanap niya ang FHM's latest edition, kung saan si Angel Locsin ang cover girl, at Bingo! Natapos rin ang kanyang paghahanap...
Pumili siya nang isa at naglakad patungo sa cashier upang magbayad. Subalit nahinto siya, nang maymapansin siyang kakaiba. Disturbing.
Nakita niya ang isang bata sa di kalayuan, umiiyak, nakasuot ng puti subalit maduming damit. Nilingon niya ang paligid, pinakiramdaman kung may magulang na kukuha sa bata. Subalit walang dumating. Dahan-dahan niya itong nilapitan upang patahanin. Subalit habang lumalapit siya ay lalo siyang nagugulat!
Tatlong metro na lamang ang layo niya sa bata, nang muli ay mapahinto siya. Napansin nito na
hindi pala dumi ang nasa puting damit ng bata, kundi dugo na natuyo. Napaatras si Gerard.
Nakita na lamang niya na nagmulat na ang mata ng bata, at halos mapatalon siya sa takot nang makita niyang kulay itim ang mga mata nito, kasabay ang paglabas ng maitim na likido sa mga mata at bibig. Humakbang palapit sa kanya!
Hindi na nag-isip si Gerard sa kanyang nakita... mabaliwbaliw siya...walang sabi-sabi ay tumakbo siya pababa, palabas ng Powerbooks. Nagmadali.
Natauhan na lamang siya nang may marinig siyang tunog... alarm, dahil nilabas niya ang FHM ng hindi pa nababayaran.
"Sir sandali po...", wika ng guard sa kanya.
Nilingon niya ang guard, at doon ay nakita niya ang isang imahe... imahe muli ng isang bata... nasilip mula sa likod ng gaurd na tumawag sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Gerard, at mabilis niyang inihagis ang magazine sa nagbabantay...
"Sir sandali...", wika pa rin nang guard, kahit nasambot na ang magazine... pagkatapos gamit ang walkie-talkie ay tumawag sa iba pang guards...
Chapter 8
"Tatlong araw na simula noong huli kaming magkita ni kuya... naiwan siya dito samantalang ako ay nagtungo sa Japan, kasama si Mommy.", kwento ni Cindy.
"Then nagulat nalang ako isang araw, may tumawag sa amin, at doon ko na lang nalaman na nagpakamatay si kuya. Noong una akala ko may pumatay sa kanya, kaya nagtungo ako dito sa Pinas, upang linawin ang lahat. At batay nga sa imbestigasyon e nagpakamatay nga si kuya... subalit walang nakaka-alam kung ano ang dahilan. Isang buwan na rin siyang nasa ospital, coma."
"Ah kaya pala nang mabasa mo sa Friendster ung message e nagulat ka, dahil related nga iyon sa kuya mo.", wika ng interesadong si Elena.
"Oo... lalo na ngayon... kanina lamang... nagising si kuya... tapos may gusto siyang sabihin sa akin, at naintindihan ko naman kong ano iyon. Noong una kasi akala ko may nangloloko lamang, kaya naisipang gumawa ng chain letter nang kung sino man. Pero nang marinig ko ang sinabi saken ni kuya lalo akong naniwala sa sulat na iyon."
"Bakit ano ba ang sinabi ng kuya mo?", naitanong ni Carlo, na sa mga oras na iyon ay walang kakurap-kurap.
"Sinabi niya sa akin, kahit nahihirapan siya, ang title ng bulliten na iyon, ang "Let Poor Born Geek Sew." Kaya ngayon umaasa ako na ang chain letter na iyon ang magiging daan upang malaman ko kung bakit nagtangkang magpakamatay si kuya.
Pagkatapos marinig iyon ay tumindig ang mga balahibo ni Carlo, nakaramdam siya ng takot. Totoo ang lahat.
Totoo si Edwin, totoo na nagtangka itong magpakamatay, at maaaring totoo rin na may natuklasan siyang nakakakilabot sa internet kaya niya naisip na magpatiwakal.
Bumalik na lamang sa reyalidad si Carlo nang magtanong si Elena... "Ano naman kaya ang kahulugan ng Let Poor Born Geek Sew? Mahilig bang magtahi si Edwin?"
"Yun nga ang tinatanong ko pa rin hanggang ngayon... kasi kanina dinala ko muli ang kanyang apartment at wala naman akong nakita kahit isang damit niya na kanyang tinahi, wala nga akong nakita ni isang karayum o sinulid man lang."
"Hindi kaya iyon nga ang dahilan...", mahinang wika ni Carlo.
"Ano?", naitanong ni Elena.
"Yun na nga siguro ang dahilan, yung sinabi niya sa kanyang sulat, bago siya magtangka... na... may natuklasan nga siyang kakaiba sa internet... ayaw raw siya nitong lubaya...", paliwanag ng binata, ramdam ang kaba.
"Pero hindi pa rin malinaw ang lahat sa sulat na iyon, kaya nga kung pwede sana ay malaman ko kuns saan unang nagmula ang sulat na iyon.", nasabi ng tila naguguluhang si Cindy.
"Mahirap na yun... pwde kasing napag pasapasahan na iyon ng marami e... at matagal bago pa malaman kung kanino yun unang nagmula..."
Tila nawalan na ng pag-asa si Cindy sa narinig. Subalit agad iyong naputol...
"Kaya ko yung gawin... kaya kong malaman kung kanino nagmula ang message na iyon!", wika ni Carlo.
Itutuloy...
From: kuligma
1 comment:
anu ung karugtong?
Post a Comment