Si Hero Angeles ay isa sa mga characters ng first Pinoy horror offering ng taon, ang ‘Sundo,’ ng GMA Films. Nang makausap siya ng iGMA about his experience while filming the movie, nangilabot kami nang marinig namin ang mga kababalaghang nangyari sa set. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Hero Angeles plays the role of Eric in Sundo—ang anak ni Lumen (Glydel Mercado) who is haunted by the death of his father. A Robin Padilla starrer, ito rin ang comeback movie ni Hero matapos niyang lumipat sa GMA.
stars
“Natutuwa ako na nabigyan ako ng opportunity na makatrabaho 'yung mga tao na sinasabi nga nilang nasa likod ng mga successful movies ng GMA," kuwento ng young actor, obviously very happy with the treatment he's getting from GMA Films. "Kahit na napakarami namin dito, hindi mo mararamdaman na eto lang 'yung role ko, na hindi ako ang bida, ganyan. Wala kang mararamdaman na newcomer lang ako. Naramdaman ko dito 'yung pagwe-welcome nila sa akin talaga. First time ko mag-shooting, in-assist nila ako talaga. Sobrang friendly sila at approachable.”
Although hindi ito ang first time ni Hero na gumawa ng horror film, sinabi niya na kakaiba ang naging experience niya at ng cast while filming Sundo. There was one instance na kinunan ng picture si Sunshine Dizon, one of the lead stars, and noong nakita nila ang picture, may parang white being sa likod ng aktres. Situations like these, however spooky, set the mood for scarier scenes in the movie.
“May mga nanggugulo, may nambubulabog, pero sa akin that time, wala akong masyadong naramdaman," sagot ni Hero nang tanungin namin siya kung anong unforgettable moments niya sa shoot. "Naramdaman ko lang parang biglang hahangin pero wala naman pinanggagalingan ang hangin. Sarado ang mga bintana. Kikilabutan ka talaga.”
Kaya naman hindi maiwasan ni Hero na i-prepare ang sarili niya every time na may shoot sila sa Sundo: “Nagdasal ako dito, kasi hindi natin alam—kasi 'yung mga lugar—lalo na kasi usually kapag nagshu-shoot kayo ng mga tungkol sa mga multo, may magpaparamdam talaga. So dapat, ready ako dun, bago ako mag-start. Magdarasal ako, ihahanda ko 'yung sarili ko sa puwede kong makita, puwede kong maramdaman, puwede kong marinig. Kasi minsan, kagaya ni Ms. Elaine (Lozano, GMA Films supervising producer), usually kapag sila ang nagkuha ng pictures doon nag-aappear sa pictures. So kapag tinitingnan namin 'yun, nasha-shock kami—kasi minsan, sa isang bintana may nakadungaw [tapos] dito magkakatabi sila [nung nakadungaw]. Nakakagulat kasi hindi mo aakalain na isang ordinaryong lugar, may spirit dun, may multo, so dapat handa ka dun.”
No comments:
Post a Comment