Apartment of Terror



Submitted by eaudefrancois




Ahhhhh!!!! Ahhhh!!! Nabalot ang isang apartment ng puro dugo. Tilian at sigawan. Halos lahat namatay. Dumaan ang pulis at ang mga news caster. "Nabalutan ng dugo ang isang aparment dito sa Manila at ito ang pinakamalalang masaker na nangyari.65 katao ang patay, 39 ang nakaligtas at 10 sa kanila sugatan. Hindi pa nila nakikilala ang suspect at siya ay nakatakas. Hanggang ngayon sinisikap pa rin ng mga pulis na hanapin ang nakatakas na suspect."

20 years later.....

"Kringg!!!!" malakas na tumunog ang alarm clock ni Nona

"Hayyy....Bagong pakikipagsapalaran nanaman ito."

Unang araw ni Nona sa pagpasok sa isang unibersidad sa Maynila. Malayo dahil siya ay taga Antipolo pa. Dahil doon naisipan ng nanay niya na hanapan siya ng matutuluyan o isang apartment.

Matapos ang klase ni Nona, nakipagkita siya sa nanay niya at doon naghanap sila ng pinakamalapit na Apartment doon. Nakakita sila ng isang apartment at parang isang hotel siya. Pumasok sila doon

"eeekkk" tumaas ang balahibo ni Nona pagkapasok pa lang niya sa apartment.

Pinakita ng tagabantay ng apartment yung mga kwarto...

Umakyat sila gamit ang elevator.

May naramdaman si Nona na kakaiba parang ang lamig sa loob ng elevator pero paglabas doon hindi naman malamig. Wala namang aircon sa loob. Lumabas sila at pinakita ni Manong Rudy(Pangalan ng tagabantay) yung magiging kwarto ni Nona sa 5th floor.

"Manong ang ganda naman ng kwarto maluwag". Ang sabi ni Nona.

"Ahh hindi pa yan ang pinakamaluwag na kwarto" Ang sabi ni Mang Rudy.

50 years old na siya ngunit bata bata pa itsura. Mukha siyang 30 years old

Yung anak ni Mang Rudy si Gemma ay nagaaral rin sa parehong unibersidad kung saan nagaaral si Nona. Sila ay naging magkaibigan. Sila ay magkaklase. Kasama lagi si Gemma maski na kasami ni Nona ang boyfriend niya na si Francis.

Nilipat ni Nona ang ibang gamit niya sa kwarto at bumili ng Kama at TV. Mga libro nilipat na niya.

Pagod na pagod si Nona kakaayos sa kanyang kwarto. Kasama niya si Francis na nagayos. Naligo muna si Francis sa banyo. May narinig siyang kumakatok sa pinto ng banyo at parang nagagalit. May gumagalaw ng Doorknob.

"Hon Ikaw ba yan? May tao pa sa loob naliligo ako muna ah."

Biglang nagbukas yung pinto ng banyo at sumara ng malakas.Binuksan ni Francis ang shower curtains at may nakita siyang babae na duguan ang mukha at halos mapupugutan ng ng ulo nakatawa sa kanya. Hindi niya iyon pinansin ngunit napabilis ang ligo niya at sa sobrang takot niya napalabas siya nang mabilis sa banyo

......Gabi......

Dalawa sila ni Francis na nakahiga sa kama. Naging ka share na niya si Francis doon sa kwarto. Nagaaral sila, nagsesex, naglalaro ng videogames at kung ano-anu pa

Nagising na lang bigla si Nona. Parang may naririnig na mga batang tumatawa habang tumatakbo, mga naglalaro. Ginising niya si Francis at nung nagising nawala bigla.

"Hon...gising..Naririnig mo ba kung anung naririnig ko?"

"Oo mga bata tumatawa at naglalaro

"Oo. Labas tayo pagsabihan natin sila"

"Ireport na lang natin yang mga yan bukas kay Mang Rudy baka hilig talaga nilang maglaro tuwing gabi"

Natulog na sila at hindi iyon pinansin kaso hindi na sila makatulog dahil sa mga iyon. Ang tumatawa rumarami at bigla na lang sumisigaw at tumitili. Lumabas si Francis dahil naririnig na niya ang mga sigawan.

"Hon diyan ka lang. Titignan ko kung bakit may mga taong nagsisigawan sa labas".

Tinignan ni Francis ang labas pero wala siyang nakitang mga tao.

"Hon ba't may narinig akong ingay pero wala namang tao sa labas?" sabi ni Francis Kay Nona.

"Baka nanloloko lang sila."

"Imposible dahil marami sila. Samut saring boses".

"Baka mga magkakabarkada sa mga kabilang room".

"Siguro nga. Oo ireport natin bukas kay manong"

"Sige"

Muli hindi na nila pinansin ang ingay

****Kinabukasan****

Pumasok na ang dalawa sa school kasama si Gemma pero bago iyon nireport nila kay mang Rudy ang mga ingay na naririnig nila sa labas tuwing gabi.

Gabi na si Nonang umuwi at hindi sila nagsabay ni Francis. Hindi kasi sila magkapareho ng sched

.........Sa Elevator pumasok sila at umakyat sa kwarto. May nakita siyang isang batang babae sa loob ng elevator at siya ay nakatalikod. Hindi na lang niya pinansin ang babae at sumakay na lang siya doon. Napansin niya parang umiiyak yung babae.

"Bata bakit ka umiiyak?"

Humarap yung batang babae

"Ate yung teddy bear ko nahulog".

Yung babae may dugo sa tiyan nasaksak at puti lahat ng mata niya tapos nakangiti siya.

Hindi makapagsalita si Nona at parang nangingisay siya doon. Hindi siya makasigaw at makagalaw.

Umiyak ng umiyak yung babae

"WAHHHuuuuhuhuhuWahhhh" halos walang tigil. Iyak ng iyak hanggang sa sumigaw at tumili. Nakita na ni Nona ang palapag kung saan nandoon ang kwarto niya. Tumakbo na siya at pumunta sa loob ng kwarto nilang dalawa. Nanlalamig ang kanyang pawis. Umiiyak si Nona at niyakap si Francis. Natakot si Nona at gusto na niyang umalis at maghanap ng panibagong matitirahan.

"Francis, feeling ko gusto ko nang umalis dito sa lugar na to"

"San tayo titira?"

"Ok lang na malayo ang kokomyutin natin may LRT naman eh"

"Nakakapagod"

"Eh nakakatakot naman dito"

"Dito muna tayo.... Pagnagsecond year tayo saka tayo lilipat"

"Sige"

Natulog na sila Nona noong gabing iyon.

Nakasara na ang mga ilaw......

"Ahhhh......Ahhhhh!" Tilian ng mga tao sa labas. Narinig ni Nona ang tunog.

Binuksan niya ang pinto at nakita niya wala namang mga tao sa labas.

Pumasok ulit siya at nakita niya na may babaeng duguan ang mukha at gumagapang sa sahig. Ang puting sahig nabahiran ng dugo. Hindi makasigaw si Nona.

Nagising siya panaginip lang pala! Napaupo si Nona. Hay.

Nakita ulit ni Nona ang babaeng gumagapang sa panaginip niya ay nasa harapan na niya at palapit ng palapit sa kanya at nang hihingi ng tulong gumapang rin sa kama nila. Biglang sumigaw yung babae at nawala.

Sa sobrang takot ni niya natulog na lang siya at niyakap si Francis.

Kinabukasan nagkwentuhan silang dalawa ni Francis tungkol sa Apartment.

"Francis, nakakaramdam ka ba ng kung anu-ano sa apartment?" Tanong ni Nona

"Sa totoo lang oo. Alam mo ba nung sinabi ko sayong guni-guni mo lang iyon? Nakarinig rin ako nun. Alam mo ba yung bata sa may elevator? Nakita ko rin yun at kumaripas din ako ng takbo dun. Yung babaeng nanghihingi ng tulong? Nakita ko yun sa banyo habang naghihilamos ako. May babae rin na nakangiti sa akin habang naliligo ako duguan at halos mapuputulan na ng ulo".

"Ahh...Gusto ko nang umalis doon, ok lang ba sayo?"

"Ok lang sa akin kahit bukas na sabihin mo"

Pumunta si Nona at si Francis sa bahay niya(Nanay ni Nona). Nakwento ni Nona yung apartment nila na haunted ng maraming mga multo.

"Ma alam mo ba yung apartment na nirentahan natin maraming multo"

"Haha.. anung klaseng multo? Multong Gago?"

"Totoo iyon marami kaming nakikita ni Francis at naririnig namin tuwing gabi".

"Aba dinadala mo iyang lalaking yan sa apartment mo tuwing gabi ah. anung ginagawa niyo?".

"Naisipan na lang namin magshare kasi wala akong kasama eh baka mabaliw ako".

"Haha".

****Nagresearch sila tungkol sa apartment na iyon.

May nakita silang isang news paper sa library at lumang luma na iyon. Ang nakita nila doon ay isang article tungkol sa isang apartment na kung saan maraming namatay dahil sa massacre. Hindi pa kilala kung sino ang suspect dahil naka maskara at nakatakas. Hindi nakuha ang murder weapon may ebidesya kaso hindi sapat.

Ang 1991 massacre(Title ng article).

Hinanap nila sa internet ang mga survivors ng 1991 apartment massacre.

Nakita niya ang pangalan ng mommy niya doon sa internet pati ang dad niya sa mga namatay. Bumalik sila sa bahay ni Nessy(Pangalan ng mom ni Nona).

"Ma, alam niyo po ba ang apartment massacre?"

Napatigil si Nessy at umiyak

"Iyon ang araw kung kailan namatay ang dad mo"

"At ang araw na kung saan muntik na rin akong mamatay. Baby ka pa noon nang nanyari ang masaccre".

Pinakita rin ni Nessy kay Nona ang sugat niya sa tiyan.

Umuwi muna sila sa apartment at nagprepare ng mga gamit pero bago iyon nakita nila na maraming tao doon at parang may pinagkakaguluhan sa kapit-bahay nilang apartment. Nakita nila na

Nang nalaman nila iyon, umalis sila sa apartment kinabukasan

"Oh Juice muna bago kayo umalis". Sabi ni mang Rudy sa kanila.

"Thank you"

Paginom nila ng juice.....

"Baggg. Nakatulog sila"

Pagkagising nila sila ay nakatali sa kwarto ni Mang Rudy. Nakita nila na may hawak siyang patalim

"Oh gising na pala ang mga magsyhota!!"

Pinipilit ni Nona na makatakas sa kanyang kinalalagyan. Kaso wala

"Bakit mo ginagawa sa amin to? Tinuring kitang parang isang ama! gago ka!" sabi ni Nona kay Mang Rudy.

Sinapak niya si Nona at pinilit ni Francis makatakas. Nakita nila rin si Gemma nakahalandusay sa lamesa. Ginahasa siya bago siya pinatay.

"Pano mo nagawa to sa sarili mong anak? Anak mo siya!"

"Hindi ko siya anak...inampon ko lang siya matapos kong patayin ang mga tao sa apartment na to. Patay na ang anak ko at ang asawa ko pinatay ko na silang lahat".

"Mamamatay tao ka!! pati nanay ko dinamay mo! Hindi mo ba alam ang peklat na natamo ng nanay ko noon. Ikaw ang gumawa noon!"

Nakatulog si Mang Rudy matapos niyang pahirapan sila Francis at Nona.

Nakita ulit ni Nona ang multo noong gabi at pinakawalan sila. Tumakas sila sa Apartment pero hinabol sila ni Mang Rudy sa may hagdanan. Natapilok si Francis at binuhat siya ni Nona. Nakita sila ni Mang Rudy at tinutukan sila ng kutsilyo at sinaksak si Francis sa tiyan.
Nakita bigla ni Mang Rudy ang kanyang pamilya na pinatay niya.

"Tumakas na kayooooo".

"Hindi pwede". Ang sabi ni Rudy sa mga pinatay niya

"Mandadamay ka pa ng ibang tao! Tapusin na natin to".

.....Habang tumatakas sila Francis may narinig silang sigaw.

Pumunta sila sa ospital para gamutin ang mga sugat na natamo nila Francis.

10 years later......

Nagpakasal na sila Francis 3 years na silang kasal

Pumunta ulit sila sa Apartment at nakita nila na iba na ang namamahala at dagsaan ang mga tao.

"Ahh nasaan na po si Mang Rudy?" tanong ni Nona sa namamahala

"Ah wala na po siya, nasa may mental na po". Sabi ng namamahala na si Manang Rosing

"Ah..San pong mental??".

"Di ko po alam eh"

Hinanap nila kung nasaan yung mental hospital

Pumunta sila doon. Nakita nila na nadoon ang pamilya niya nakayakap sa kanya at masayang masaya. Nakita nila rin na nakaupo si Mang Rudy at kamot ng kamot ng ulo at nasisiraan ng bait.

+++++FIN+++++


Author's Bio/Notes:

Ginawa ko noong gabi. Ninote pad before nilagay dito

No comments:

Post a Comment