dahil na rin sa inyong mga padalang sulat, lalo lang po ninyo akong pinasaya na magbahagi sa inyo ng mga kwentong katatakutan. marahil ay talagang naintriga kayo sa kwento ng sixth floor at hayaan nyong magbigay ako ng kaunting kwento ng nakaraan ng palapag na ito. ang kwentong ito ay ibinatay ko rin sa mga kwento ng mga estudyante maging ng mga trabahador ng unibersidad lalo na ang mga janitor at janitress na laging na pinakikiramdaman ng mga ligaw na kaluluwang ito.
Ayon sa isang salaysay ng isang dating janitor dito, naganap daw ang mga nakahihindik na pagpaparamdam dito noong ito ay dati pang kilala sa pangalang Philippine College of Commerce. ang unibersidad daw noon ay di pa masyadong kalakihan at ang ilog pasig na nasa likod nito ay halos kadawagan(e.g. damuhan. at ayon na rin sa mga mamamayang nakatira sa harap ng unibersidad ginawa umano itong tapunan ng mga bangkay ng mga estudyanteng namamatay sa "hazing". at doon din ay nagsimula ang mga pagpaparamdam na sabi ng ibang estudyante ay hindi lang umano mga estudyanteng dati ang nagpaparamdam kundi MERON PANG IBA!!. may isang babae noon na nagkwentong habang siya umano ay nananalamin ay biglang may dumaan sa kanyang likuran at ng siya'y humarap lalong hilakbot ang kanyang naramdaman ng ito ay makita niyang kaharap na niya. ayon sa babae, talaga umanong nakakatakot ang itsura nito dahil ang halos kalahati ng mukha nito'y durog at halos mawala na sa kinalalagyan ang kanyang mga mata!!!
Natigil ang usap usapan ng ang PCC ay binago at naglagay ng mga bagong gusali at ito ay tinawag na ngayong Polytechnic University of the Philippines. ngunit habang ito ay patungo sa pagbabago isang nakaririmarim na pangyayari ang nangyari.habang abala ang lahat ng trabahador sa nalalapit ng pagtatapos ng IKAANIM NA PALAPAG ng isang aksidente ang maganap. ANG IMBAKAN NG TUBIG NG BUONG UNIBERSIDAD NA NASA ROOFTOP NG SIXTH FLOOR AY BIGLANG BUMIGAY!!!! bumagsak ang water tank sa bandang west wing na noo'y nagiinstala ng mga kuryente na sa kamalasan ay binuksan pala ng foreman ang pinaka main line ng kuryente at halos ang sampung trabahador umanong ito ay namatay sa pagkakakuryente at ang iba'y naipit sa pagguho ng tangke!!
lumipas na ang mga taon at nakaligtaan na rin ng iba ang mga naganap. ngunit isang araw, habang wala umanong professor sa isang klase napagkaisahan ng isang grupo ng mga mag-aaral na maglaro ng SPIRIT OF THE GLASS, AT HABANG SILA AY NASA KALAGITNAAN NG KANILANG PAGLALARO NG BIGLANG ANG BASONG KANILANG GINAGAMIT AY NABIYAK SA GITNA. di nila ito pinansin ngunit maya maya lang 3 na nilang kamag aral ang biglang hinimatay at sa pagmulat ng mga ito ay iba na ang kanilang nakikita,!!di na MUKHA NG KANILANG MGA KAKLASE ANG KANILANG MGA ITSURA,!ang isa'y babae habang ang dalawa ay lalaki gayung ang mga naglaro ay halos kababaihan!!!
dito na nag simula ang walang humpay na pagpaparamdam sa sixth floor. nanditong minsang naglilinis ang isang janitress ay bigla umano siyang nakaramdam na may tumulak sa kanya na ikinasubsob niya sa bowl ng cr, habang mag isa lang naman daw sya noong mga oras na yun
isa namang first year student na noo'y mag-isang naiwan sa klase dahil sa sama ng pakiramdam ay nakaramdam na hinihila umano ang kanyang buhok ay nanditong nakita niya ang kanyang sarili na parang dinadala sya sa isang kanto ng silid aralan.
minsang isang sekyu na noo'y nagroronda ng bigla niyang makita ang kanyang kasamahang nakatalaga sa ikalimang palapag at ng tawagin niya ito ay hindi siya pinansin. at ng ang nakakita ay papaalis na sa takot niya'y nakita niya ang mukha nitong tigmak ng dugo. na kinabukasan ay nabalitang nasagasaan noong gabing papasok umano ito.
isang professor na nagkaklase sa kabilang classroom na ng puntahan niya ang klaseng nagkakaroon ng debate sa laking takot niya ay nakita niyang ang halos lahat ng estudyanteng sa pagaakala niyang nagkaklase ay halos pugot ang ulo.
marami pang mga nakakatakot na kwento ang iba ngunit hayaan nyo at iisa isahin natin yang lahat.
dahil na rin sa marami ang gustong malaman ang nakaraan ng sixth floor kaya pinagbigyan daan ko muna ang kanilang mga hiling.
hanggang sa susunod at sana ay naunawaan nyo ang aking mga sinabi.
From: master_raymond
1 comment:
nakakatakot naman
Post a Comment