I Do Believe In Spirits - Part 1

I do believe in spirits, and they are neither good or bad. they don't follow any rules kaya mahirap sabihin kung ano ang personality nila...well, marami pa akong karanasan pero isa-isahin ko nalang...

I don't know kung maniniwala kayo sa kwento kong ito...but it did happen anyway...

It was a Saturday night, usually kami ng mga pinsan ko ay mga midnight o lampas na kai natutulog dahil nanonood pa kami ng saturday night movies sa HBO. There was this one time na hindi namin talaga ini-ecpect na mangyari gayong, hindi naman kami nanood ng horror at ni hindi kami nag-iisip ng mga katatakutan...After watching tv, we finally decided na umakyat na para matulog. We happen to be sleeping in a one room, which is my room. Tatlo kami, si mae, ako at si abelle. Si may ang nasa unahan ko at kasunod ko naman si abelle habang paakyat kami ng hagdanan. Tahimik lang kami sa pag-akyat at hindi namin alam kung bakit baang tagal naming nakarating sa itaas na bahagi ng aming bahay. Pagod na kami kaya medyo hindi na kami masalita. Pagpasok namin sa kwarto ko, si mae, pumunta sa kinalalagyan ng study table para ilagay ang dalang basong mat tubig, dahil nakaugalian na namin ang uminom pag nagigising kami sa gabi. Ako naman ay humarap sa salamin at si Abelle ay hndi sumunod sa amin pumunta siya n CR. When i look inthe mirror, i find it so strange, kasi dapat nakita ko si mae sa likod ko dahil makikita sa salamin ang kinalalagyan ng table, pero wla siya doon. Din, bigla na akong nanlamig, inisip ko na hindi siya pwedeng basta nalang mawala at makalabas ng kwarto since katabi lang ng mirror ang salamin kung saan ako natakayo at the moment. Pero wala talga si mae sa kwarto ko, kaya lumabas ako at knatok ko si abelle sa CR. siniguro ko kung siya nga ang nasa CR. Tinanong ko kung natandaan ba niyang kasama namin si Mae sa pag-akyat at ina-sure naman niya na kasama nga namn si mae. then i told her, wala si mae sa loobng kwarto, then we started panicking, we hold hands, then we both looked at the stairs, then may narinig kaming kaluskos na ibaba. Sinubukan kong tawagin si Mae, may sumagot sa ibaba at boses iyon ni Mae. Tinanong ko siya, kahit gustong gusto ko nang tumakbo, kung bakit ka nandiyan. Sa sinagot ni Mae doon na talaga kami kinalabutan, she said, "Pinatay ko lang ang ilaw sa labas at kumkuha lang ako ng tubig." Doon na kami nag-unahan ni Abelle na tumakbo patungo sa ibaba,
Nakita namin si Mae sa pinaka-ibaba ng hagdan may hawak itong isang basong tubig. Tinanong niya kami kung bakit kami biglang nagtatakbo. Hindi ako makapag-salita, kaya si Abelle nalang ang sumagot para sa akin. Tinanong muna ito ni Abelle, kung galing na ba ito ng itaas kasama namin, pero sumagot si Mae na hindi. Tinanong uli ni Abelle kung saan ito galing.Ito ang sinagot ni Mae, "Sinabihan ko kayong mauna na kayo dahil inaantok na kayo, at lalabas ako paa tingnan ang ibinabad ko. si Lyn pa nga ang nanguna patungong itaas, bakit ba?". Sinabi dito ni Abelle na nakita namin siyang kasama naming umakyat at siya ang nanguna sa aming tatlo....tumawa si mae, diskumpiyado siya sa sinabi namin, at sinabihan pa kaming inaantok lang daw kami...Pero tama ba talga yon? dala lang ba talga yon ng antok? Grabe naman ng antok, kung kaming dalawa ni abelle ang nabiktima na namalikmata na kasama namin si Mae...But i know i saw her silently with us going upstairs... last 2005 lang ito nangyari, summer vacation.... Kayo nlang ang humusga.....


From: Aqua Love

No comments:

Post a Comment