I Do Believe In Spirits - Part 2

My next experience happpens when i was in second year highschool...I would never forget that in my intire whole life, that even now i'm in colege it still gives me the creeps...kaya nga kinailangan ko pang mag-sama ng pinsan para maisulat ko ito dito...


Nangyari ito sa kwarto ko again....sabi ng mga pinsan ko, talagang sumusunod ang mga ghost sa akin, dahil ang kwarto ko ngayon ay hindi ko talga kwarto, lumipat lang ako, kasi feeling ko hindi ako maka-hinga at di mapalagay sa dati kong kwarto.
My mirror, is beside the door at doon din inilagay ang switch ng ilaw ng kwarto ko. Kadalasan ako ang pinaka-huling matulog sa aming tatlong mag-pinsan na natutulog sa kwartong iyon. Ako ang palaging pumapatay sa ilaw. May isang madaling araw, mga ala-una na iyon, kasi mahilig akong mag-basa ng pocket book sa gabi. Ang kwarto ko ay nakaharap sa kalsada at sa labas ng kwarto ko ay may poste kaya kahit nakapatay ang ilaw sa kwarto ko meron pa ring maanaag sa loob.
.............................................
/...../ bed l l...-..l .
. ^ l......l .
. l !!
. @ =
. =
.............................................

ganito ang posison ng kwarto ko...
/.../ yan ang table
!! ang kinalalagyan ng salamin
== ito ang simbolo ng pinto
@ yan ang nakita ko...

So, nang nag-decide na akong matulog pinuntahan ko ang switch ng ilaw, at habang ginagawa ako, para akong na-curios na tingnan kung ano kaya kung patayin ko ang ilaw habang nakatingin sa salamin...Kaya ginawa ko. Hindi ko talga in-expect na mangyayari yon. Bigla nalang parang tumigil ang sangali at napako ako sa knatatayuan ko, biglang may nakita akong maitim na bagay na gumagapang. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong huminto at tumingin sa mga mata ko, hindi talaga ako makagalaw at hindi makapag-salita. Ngumiti ito sa akin at mabilis na gumapang patungo sa ilalim na mesa ko kung saan naglaho ito sa dilim. At doon ko na biglang naramdaman ang sarili kong nakakagalaw na uli. Sa takot ko inilawan ko ang paligid at dumeretso ako sa kaliwang bahagi ng kama ko at nagtulakbong ng kumotat pilit na makatulog...pero hindi ko mapigil ang umiyak, na nagpa-gising naman sa mga pinsan ko na katabi ko sa pagtulog. Sinab ko sa kanila ang nakita ko, at naintindihan nila ako. Sanay na sila na makakita ako ng mga di normal na bagay, kaya niyakap nalang nila ako hanggang makatulog ako.
akala ko yon na katapusan nun, hindi ko akalain na masusundan agad ang karanasan ko. Tatlong araw matapos ang insidenteng iyon, nanaginip ako at sa panaginip ko, may nakita akong isang magndang batang babae, mahaba ang buhok niya, nakangiti ito, at nahintakutan ako sa isa pang nakita ko. ang batng lalaki na nakita ko sa salamin noong nakaraang gabi, nakasuot pa rin ito ng itim ng kasuutan samantalang ang batang babae ay naka-bestida. Biglang nag-salita ang babae, at feling ko nanlamig ang buo kong katawan. Sabi niya, "Pacencya ka na, naglalaro lang ang kapatid ko." yun lang at nawala na ito. Nagicing akong tumutulo ang luha ko, kinikilabutan talaga ako. Takot na takot ako, hindi ko alam kung paano ako nakatulog....at yun na ang katapusan...

Noong bago pa nangyari ang aksidente takot na takot akong ibahagi sa iba ang nangyari sa akin. Pero ngayon nakuha ko nang haluan ng biro ang nangyari noon, natatawa ako pag-naalala kong sinabi ng babae na pinag-laruan lang ako ng kapatid niya.Sinasabi ko sa sarili, ang galing naman ng batang iyon ako pa ang nakuhang paglaruan...grhhhhhh!!!!


From: Aqualove

No comments:

Post a Comment